MANILA, Philippines - Dalawang malalaking events sa local sports ang papagitna sa sesyon nga-yon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Ang ika-11th season ng sikat na Shakey’s V-League at ang ika-50th anibersaryo ng Milo ang pag-uusapan sa two-part program na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 na handog ng Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR).
Dadalo para sa Shakey’s V-League na magbubukas ng kanilang First Conference ngayong Linggo, sina Sports Vision chairman at president Moying Martelino at Ricky Palou, ayon sa pagkakasunod, commissioner Tony Boy Liao at Shakey’s COO at EVP Vic Gregorio.
Tatalakayin naman ni Milo sports executive Robbie De Vera ang mga upcoming events para sa pagdiriwang ng golden year ng Milo dito sa bansa.
Hinihikayat ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror na dumating ang mga mi-yembro sa forum bago magsimula ang programa sa alas-10:30 ng umaga.
Maaaring makipag-ugnayan sa PSA, ang pinakamatandang media organization sa bansa, sa website na www.psa.media.ph