Garcia nababagalan sa mga NSAs

MANILA, Philippines - Nababahala si PSC chairman Ricardo Garcia sa mabagal na pagkilos kung ang paghahanda ng Pambansang koponan para sa Asian Games sa Incheon, Korea ang pag-uusapan.

Pero nilinaw niya agad na hindi ang pina-ngungunahang Asian Games Task Force ang may pagkukulang kungdi ang mga National Sports Associations (NSAs) na pinatatagal ang usapin sa kung sino ang dapat na isama sa delegasyon.

“I’m a little worried because mabagal. Bumabagal ito because the NSAs are trying to squeeze in athletes that I feel should not be there. Alam naman ng mga NSAs iyon, kung pinipilit nila lalong nade-delay ang formation ng team natin,” wika ni Garcia.

Naunang plano ni Garcia na siya ring Chief of Mission ng delegasyon, na ipadala na ang mga atleta o may potensiyal na atleta, sa ibang bansa para makapagsanay.

Tinuran niya ang athletics na balak na sanang sanayin sa US pero hindi makakilos dahil sa problemang kinakaharap ng kanilang dalawang coaches at ang kawalan pa ng pahintulot ng pangulong si Go Teng Kok.

Itinutulak ni Go na sa Baguio na lamang magsanay ang mga manlala-ro  kasama ang walong atleta na nabigyan na ng go-signal para sumama sa Incheon Games. Naunang naglaan si Garcia ng P50 milyong pondo para sa pagsasanay ng mga atleta. (AT)

Show comments