MANILA, Philippines - Sinabi ni chief trainer Freddie Roach na uulanin ng suntok si world welterweight champion Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch ni Manny Pacquiao.
“I think a hard rain’s gonna fall on Tim Bradley,†sabi ni Roach kahapon.
“Huge thrill for everyone here,†wika naman ni publicist Fred Sternburg sa kanyang Twitter account.
Nasa dulong bahagi na ng kanyang paghahanda si Pacquiao para sa kanilang April 12 rematch ni Bradley sa MGM Grand sa Las Vegas.
Binisita ni music icon Bob Dylan at pinanood ang pagsasanay ni Pacquiao sa Wild Card Gym.
Karaniwan nang ginagawa ng ilang celebrities ang panonood sa Filipino superstar na nag-eensayo.
Subalit ang pagdalaw ng American legend ay minsan lamang mangyari.
Pinanood ni Dylan, nagpasikat ng kantang “Blo-win’ in the Wind†at “The Times They Are a Changin’†na naikabit sa US civil rights at anti-war movements noong 1960s, ang pakikipag-sparring ni Pacquiao.
Nagpakuha din ng larawan ang 72-anyos na si Dylan kasama si Pacquiao. Magkatabi silang nakatayo at kapwa ipinakita ang mga kamao nila.
Ang mga naunang celebrities na nanood ng ensayo ni Pacquiao ay sina Lou Diamond Phillips, Mark Wahlberg, Mickey Rourke, Jean Claude Van Damme at Lakers star Kobe Bryant.
Idagdag pa dito sina Jeremy Rener, Denzel Wa-shington, Steven Seagal, Robert Duval, Jeremy Pi-ven, Michael Payne, Don Rickles, Christian Bale at Jessica Alba.
Hindi rin nagpapahuli ang mga NBA stars na sina Reggie Miller, Kevin Garnett, Paul Pierce at Ray Allen, baseball superstar Jerek Jeter at sina boxing greats Mike Tyson at Evander Holyfield.