MANILA, Philippines - Nang umarangkada ang Air21 sa third period ay hindi na nakaporma ang Barako Bull.
Matapos magtayo ng 19-point lead sa third period ay lalo pang nag-init ang Express sa fourth quarter para tabunan ang Energy Cola, 103-85 at angkinin ang kanilang ikalawang panalo sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Alam ni Air21 head coach Franz Pumaren ang kakayahan ni Barako Bull import Joshua Dollard.
“Our primary concern is to try hold down Dollard, minimize his input,†ani Pumaren na pinabantayan si Dollard sa kanyang reinforcement na si Herve Lamizana. “Herve was able to limit the point production of Dollard. He gave us ano-ther dimension.â€
Hindi nakaiskor si Lamizana sa first half, ngunit kumamada sa third period kung saan niya hinugot ang 21 sa kanyang game-high na 24 points.
“He’s like on diesel. It’s in the second half that he gets his rhythm,†wika ni Pumaren kay Lamizana, kumolekta din ng 13 rebounds, 2 shotblocks, 1 assist at 1 steal.
Tumapos naman si Dollard, nagtala ng average na 44 points sa kanyang unang dalawang laro, na may 12 points sa loob ng 33 minuto sa panig ng Barako Bull, nabigong masikwat ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Isinara ng Express ang third period, 75-57, bago iwanan ang Energy Cola mula sa itinayong 35-point lead, 93-58 sa 7:33 ng final canto. Sa pinakawalang 18-1 arangkada ng Air21 ay nagsalpak ng tatlong three-point shots si Aldrech Ramos at may isa si Ronnie Matias.
Kasalukuyan pang pinaglalabanan ng San Miguel Beermen at Talk ‘N Text ang liderato habang isinusulat ito.
Samantala, nakatakdang magtagpo ang nagdedepensang Alaska at ang Rain or Shine ngayong alas-3:30 ng hapon kasunod ang banggaan ng Meralco at Globalport sa alas-5:45 sa Big Dome. (RC)
AIR21 103 - Lamizana 24, Ramos 17, Cardona 15, Taulava 14, Burtscher 8, Matias 7, Villanueva 5, Yeo 5, Jaime 2, Poligrates 2, Sharma 2, Atkins 2, Borboran 0, Camson 0.
Barako Bull 85 - Intal 18, Miranda 18, Dollard 12, Miller 10, Pennisi 9, Lastimosa 6, Jensen 4, Buenafe 4, Fortuna 3, Wilson 1, Deutchman 0, Isip 0, Marcelo 0, Peña 0.
Quarterscores: 16-17; 45-32; 75-57; 103-85.