MANILA, Philippines - Sa loob ng 36-taon, nagsasanay ang BEST Center ng mga batang nangangarap maging basketball athletes para lalong gumaling.
Ang BEST, nangangahulugan ng Basketball Efficiency Scientific Training, ang pinanggalingan ng ilang mga top hardcourt stars tulad nina PBA Philippine Cup finals Most Valuable Player Larry Fonacier, Smart-Gilas Pilipinas captain Chris Tiu, PBA Commissioner’s Cup Finals MVP James Yap at ng mga sumisikat na sina Kiefer at Thirdy Ravena.
Sapul nang itayo noong 1978 ni dating National coach Nicanor Jorge na kilala sa tawag na Coach Nic, patuloy ang Best Center bilang pangunahing basketball clinic ng bansa na pinagkakatiwalaan ng mga mahihilig sa basketball, mga magulang at academic institutions.
Ang kanilang tagumpay ay dahil sa kanilang scientific approach sa training, hindi lamang sa clinic, kundi sa kanilang program at pati sa pagpili at pagsasanay ng kanilang mga coaches.
“Not only does BEST Center adapt the best training program for our coaches and students, we are continuously updating the program with latest developments in training used by the world’s top basketball athletes,†sabi ni Coach Nic. “In fact, we regularly send our coaching team abroad for training. Through the years we also had some of the top global athletes and coaches visit our clinics to speak and train both our coaches and students.â€