Heat bagsak sa Nets; Spurs ayaw paawat

MIAMI -- Umiskor si Paul Pierce ng 17 sa kanyang 29 points sa third quarter at nag-deliver ng mga crucial scores sa hu-ling bahagi ng labanan at nagkamit si Shaun Li-vingston ng turnover sa final play nang igupo ng Brooklyn Nets ang Heat, 96-95, tungo sa kanilang 3-0 record ngayong season kontra sa two-time defending NBA champions.

Dalawa sa panalong Nets kontra sa Miami ay dikit din. Nanalo sila ng 1-point sa isang laro at ang isa ay via overtime.

“We haven’t had any success,” sabi ni Nets coach Jason Kidd ng Brooklyn sa 3-panalo sa Heat.

Sa huling  24 games ni Kidd laban sa Heat bilang coach o player ay mayroon siyang 19-5 record.

Umiskor si Mirza Teletovic ng 17 off the bench. Tumapos si Li-vingston ng 13 points at nagtala si Andray Blatche ng 11 para sa Nets.

Nagposte si Chris Bosh ng 24 points para sa Mia-mi, para sa 15,003 total sa kanyang career. Tumapos naman si Dwyane Wade ng 22, si LeBron James ay may 19 at si Mario Chal-mers ay nagsumite ng 14 para sa Heat, na nagbigay ng 22 points sa turnovers at nabigyan ng dalawang technicals (sina Wade at Chalmers) sa pagrereklamo ng tawag sa loob lang ng 92-seconds sa third quarter.

Sa San Antonio, sinunud-sunod ng San Antonio Spurs ang mga elite teams na nahirapan sila sa unang bahagi ng season sa pamamagitan ng balanseng atake upang igupo ang Portland Trail Blazers, 96-95 para sa kanilang ikawalong sunod na tagumpay.

Umiskor si Patty Mills ng 15 points, nagtala si Tim Duncan ng 10 points at 11 rebounds sa limitadong oras at naghabol ang San Antonio sa loob ng 11 segundo lamang sa huling bahagi ng first quarter sa kanilang 103-90 panalo kontra sa Portland.

 

Show comments