MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng Talk ‘N Text at ng San Miguel Beer ang liderato na katatampukan ng debut game ng bagong import na si Kevin Jones.
Ibabandera si Jones, dating naglaro sa NBA para sa Cleveland Cavaliers, sasagupain ng Beermen ang Tropang Texters ngayong alas-8 ng gabi matapos ang banggaan ng Air21 Express at Barako Bull Energy Cola sa alas-5:45 ng hapon sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kabila ng dalawang panalo na naibigay ni reinforcement Josh Boone ay nagdesisyon pa rin ang San Miguel Beer na ipalit sa kanya si Jones.
“The coaches feel Jones is more fitted with the team. The coaches also believe he can contribute more on defense, scoring and rebounding,†wika ni team manager Gee Abanilla kay Jones, isang 6-foot-8 forward na lumaro para sa Cavaliers noong 2012-13 NBA season.
Sa tulong ni Boone ay tinalo ng San Miguel ang Meralco, 94-76 at isinunod ang Barangay Ginebra ng Beermen, 112-96.
Binanderahan naman ni 6’8 import Richard Howell ang nagdedepensang Alaska, 85-72 at Air21, 95-91.
Sa unang laro, tatargetin ng Barako Bull ang kanilang pangalawang sunod na panalo sa pagharap sa Air21.
Makaraan ang 104-108 overtime loss sa Gin Kings noong nakaraang Biyernes ay nagpasiklab si import Joshua Dollard nang humugot ng 25 sa kanyang 44 points sa second half at igiya ang Energy Cola sa 110-106 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters noong Linggo.
“In order for us to build our momentum, we need to get a positive result with our game against Air21,†sabi ni Barako Bull mentor Bong Ramos.