Short tournament para sa Gilas training?
MANILA, Philippines - Imbes na muling baguhin ang format ng darating na PBA third conference para maipasok ang Gilas Pilipinas bilang pang-11 koponan, ipinanukala ni San Miguel Corp. official Robert Non na magdaos ang liga ng isang maikling torneo para sa National team pagkatapos ng kasalukuyang PBA season.
“That’s another option we’re looking at,†wika ni Non. “Let’s not touch anymore the season format. Let’s make it simple by holding perhaps a four-team tourney involving Gilas plus two different PBA selections and a foreign team. The theme could be ‘beat Gilas,’†dagdag pa nito.
Nangangamba si Non ukol sa pagkakabilang ng Gilas team sa season-ending Governors’ Cup matapos ang partisipasyon ng Gilas Pilipinas I noong 2009-10 PBA Philippine Cup.
Matapos ang tatlong laro ng Nationals ay binago ng PBA ang set-up ng pagsali ng koponan sa torneo makaraang makatanggap ng reklamo buhat sa mga go-vernors dahil sa paggamit ni coach Rajko Toroman sa dating naturalized player na si CJ Giles.
Kinuwestiyon ng governors ang paggamit ni Toroman kay Giles ng limang minuto sa kanilang laro ng Talk ‘N Text.
Tinalo ng Texters ang Nationals, 103-70.
Matapos ito ay idineklara ng liga na ‘non-bearing’ ang naturang laro.
Noong Huwebes ay ipinanukala ni PBA board chairman Ramon Segismundo ang pagpapalaro sa Gilas Pilipinas bilang ika-11 koponan sa season-ending Governors’ Cup.
Masaya naman itong tinanggap ni National coach Chot Reyes sa pagsasabing ang paglalaro ng sama-sama ng mga Nationals sa third conference ay magsisilbing panimula ng paghahanda ng koponan para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
“For me, yes (sa pagsali ng Gilas ds final confe-rence ng PBA season). Anything that can give us more time to prepare and practice would be good for us,†ani Reyes sa isang online report.
- Latest