Mahalagang panalo kinuha ng Priceless Joy

MANILA, Philippines - Taglay pa rin ng Priceless Joy ang bangis sa pagtakbo nang kunin ang 2014 Philracom Sponsored Stakes Race na “Bawat Isa Mahalaga Association” no­ong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si jockey Christian Garganta ang sumakay pa rin sa ka­bayo na humataw sa far turn tungo sa dominanteng panalo sa 1,400-metro distansya.

Malayong third choice lamang ang tambalan pero kondisyon ang Priceless Joy at nanalo sa ikalawang sunod na takbo.

Ang mga dehadong Red Dragon, Priceless Joy at Big Deal ang magkakasabay na dumarating pero bumigay ang second favorite sa siyam na naglabanan na Big Deal ni Kevin Abobo para maiwanan na.

Ang panalo ay nagresulta para makuha ng connections ang P180,000.00 added prize na handog ng Philippine Racing Commission.

Kumabig ang mga nanalig sa husay ng Priceless Joy ng P33.00, habang ang 4-8 forecast ay may P359.50 dibidendo.

Lumabas na liyamadong kabayo na nanalo ay ang Wild Talk ni Mark Alvarez sa 3YO And Above race.

Tinalo ng tambalan ang Victory Class ni LC Lunar para sa ikatlong sunod na segundo puwestong pagta­tapos ng kabayo.

May P5.50 ang win, habang ang 8-1 forecast ay nag­hatid ng P32.50 dibidendo.

Show comments