MANILA, Philippines - Umaasa si Julio CaÂtaliono Sadorra, ang paÂngaÂlawang Filipino chess player na may pinakamaÂtaas na ranggo matapos si Grandmaster Wesley So, na mapapabilang sa PhiÂlippine team na sasabak sa World Chess Olympiad na nakatakda sa Agosto 1-15 sa Tromso, Norway.
Ngunit wala siyang peÂra para makalahok sa quaÂlification tournament na idaraos ng National Chess Federation of the PhiÂlippines sa bansa.
Si Sadorra ay nakabaÂse ngayon sa United States at walang pamasaÂhe pauwi sa bansa.
“It’s every Filipino chess players’ dream to play for flag and country in the Olympiad especially now that I’ve finished my studies at University of Texas-Dallas,†wika ng 26-anyos na si Sadorra, isang self-supportive student na may kursong Entrepreneurship.
“But it will be hard for me to fly to the country to play in a qualification event now due to econoÂmic and financial reasons,†dagdag pa nito..
Si Sadorra ay No. 2 plaÂyer sa bansa.