DALLAS -- Sinabi ni Dirk Nowitzki na hindi niya iniisip kung kailan huÂling nakapagbasura ang Dallas Mavericks ng isang 30-point lead at naÂtalo.
Ang pinakamasamang kabiguan sa kasaysaÂyan ng kanilang prangkisa ay ilang taon na ang nakararaan at masyado siyang abala para tiyakin na hindi na ito mangyayari.
Umiskor si Nowitzki ng 22 points, habang nagsalpak si Devin Harris ng go-ahead shot sa huling minuto para tulungan ang Mavericks sa pagbangon sa fourth quarter matapos masayang ang malaking kalamangan sa first half patungo sa 103-98 panalo laban sa Portland Trail BlaÂzers.
“You’re just out there battling,†sabi ni NowitzÂki . “They’re a very, very good team. They came back a lot quicker than we wanted it to be, but we kept fighting and got the win.â€
Tumapos naman si LaÂMarcus Aldridge na may 30 points para sa Portland, kasama dito ang 18 sa third quarter nang luÂmamang ang Blazers sa 69-67 makaraang ibaon ng Mavericks sa 44-14 sa second quarter.