UAAP women’s volleyball championships: Lady Archers lumapit sa titulo

LARO SA MIYERKULES

(MOA Arena, Pasay City)

4 p.m. La Salle vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Sinamantala ng La Salle ang injury na duma­po sa libero ng Ateneo pa­ra kunin ang 25-14, 25-20, 19-25, 26-24 panalo at lumapit sa isang panalo para angkinin ang UAAP women’s volleyball title ka­gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Si Denise Michelle La­zaro ng Lady Eagles ay dumanas ng sprained left ankle sa ka­agahan ng first set at hindi ipinasok sa second set upang ma­ka­abante agad ang Lady Archers sa 2-0 kalama­ngan.

Nakabalik ang libero mu­la sa third set para ma­kapagbigay ng mas ma­gandang laban ang Ate­neo.

Ipinanalo nila ang third set at nanakot pa na ita­­tabla ang labanan sa fourth set nang magpaka­wala ng magkasunod na ser­vice aces si Alyssa Val­dez para magtabla ang dalawa sa 24-all.

Pero pagod na rin si Valdez, ang kinila­lang Best Server, Best Sco­rer at Most Valuable Pla­yer ng liga, dahil ang pi­nakawalang serve ay tu­ma­ma lamang ng net para ha­wakan muli ng La Salle ang match point.

Tuluyang natapos ang sagupaan sa reception error ng Lady Eagles para makita ang pitong sunod na pagpapanalo na nag­wa­kas.

“Tinignan namin ang reason kung bakit kami natalo sa last game. Gumawa kami ng mga adjustments dahil ayaw na naming maulit pa ito. Ang mindset namin is revenge at ito ang pinaghugutan namin sa laro,” wika ni Ara Galang na tumapos tag­lay ang 17 puntos, tampok ang 16 kills, bukod sa 9 digs.

Sina Mika Reyes at Abi­gail Maraño ay may 14 at 11 puntos at ang huli ay gumawa ng mga running spikes sa fourth set na sumira sa rally ng Ateneo.

May 26 excellent sets pa si Kim Fajardo, habang ang libero na si Dawn Nicole Macandili ay may pitong digs pa.

“Ang sabi ko sa kanila ay maniwala lamang na kaya naming maipanalo ang larong ito,” wika ni Lady Archers coach Ramil de Jesus na sisikaping tapusin ang serye sa Miyerkules sa MOA Arena sa Pasay City.

Samantala, ibinigay naman kay Lazaro ang Best Dig­ger at Best Recei­ver awards.

Si Fajardo ang Best Setter, habang si Kathy Ber­sola ng UP ang Best Blo­cker at ang magka­patid na Dindin at Jaja San­­tia­go ang itinanghal bi­lang Best Attacker at Rookie of the Year, ayon sa pagka­ka­sunod.

Show comments