UAAP women’s volleyball championships: Lady Archers lumapit sa titulo
LARO SA MIYERKULES
(MOA Arena, Pasay City)
4 p.m. La Salle vs Ateneo
MANILA, Philippines - Sinamantala ng La Salle ang injury na dumaÂpo sa libero ng Ateneo paÂra kunin ang 25-14, 25-20, 19-25, 26-24 panalo at lumapit sa isang panalo para angkinin ang UAAP women’s volleyball title kaÂgabi sa Smart Araneta CoÂliseum.
Si Denise Michelle LaÂzaro ng Lady Eagles ay dumanas ng sprained left ankle sa kaÂagahan ng first set at hindi ipinasok sa second set upang maÂkaÂabante agad ang Lady Archers sa 2-0 kalamaÂngan.
Nakabalik ang libero muÂla sa third set para maÂkapagbigay ng mas maÂgandang laban ang AteÂneo.
Ipinanalo nila ang third set at nanakot pa na itaÂÂtabla ang labanan sa fourth set nang magpakaÂwala ng magkasunod na serÂvice aces si Alyssa ValÂdez para magtabla ang dalawa sa 24-all.
Pero pagod na rin si Valdez, ang kinilaÂlang Best Server, Best ScoÂrer at Most Valuable PlaÂyer ng liga, dahil ang piÂnakawalang serve ay tuÂmaÂma lamang ng net para haÂwakan muli ng La Salle ang match point.
Tuluyang natapos ang sagupaan sa reception error ng Lady Eagles para makita ang pitong sunod na pagpapanalo na nagÂwaÂkas.
“Tinignan namin ang reason kung bakit kami natalo sa last game. Gumawa kami ng mga adjustments dahil ayaw na naming maulit pa ito. Ang mindset namin is revenge at ito ang pinaghugutan namin sa laro,†wika ni Ara Galang na tumapos tagÂlay ang 17 puntos, tampok ang 16 kills, bukod sa 9 digs.
Sina Mika Reyes at AbiÂgail Maraño ay may 14 at 11 puntos at ang huli ay gumawa ng mga running spikes sa fourth set na sumira sa rally ng Ateneo.
May 26 excellent sets pa si Kim Fajardo, habang ang libero na si Dawn Nicole Macandili ay may pitong digs pa.
“Ang sabi ko sa kanila ay maniwala lamang na kaya naming maipanalo ang larong ito,†wika ni Lady Archers coach Ramil de Jesus na sisikaping tapusin ang serye sa Miyerkules sa MOA Arena sa Pasay City.
Samantala, ibinigay naman kay Lazaro ang Best DigÂger at Best ReceiÂver awards.
Si Fajardo ang Best Setter, habang si Kathy BerÂsola ng UP ang Best BloÂcker at ang magkaÂpatid na Dindin at Jaja SanÂÂtiaÂgo ang itinanghal biÂlang Best Attacker at Rookie of the Year, ayon sa pagkaÂkaÂsunod.
- Latest