NEW YORK – Tatagal pa si Jason Collins sa Brooklyn Nets ng 10-araw.
Pinapirma ng Nets si Collins ng 10-day contract nitong Miyerkules at magsusuot siya ng uniporme sa pagharap ng Brooklyn sa Memphis sa kanilang sari-ling balwarte.
Si Collins ang unang umaming bading na player na naglaro sa NBA matapos pumirma ng kanyang unang 10-day contract noong Feb. 23.
Puwedeng papirmahin ng mga teams ng dala-wang 10-day contract ang isang player bago bigyan ng kontrata para sa kabuuan ng season kung nais nilang manatili ang player sa kanilang team.
Lumaro si Collins sa lahat ng 5-games sa kanyang pagbabalik at nagtala ng 3-points at 5-rebounds sa 36 minutong paglalaro.
Ang 13-year veteran ay lumaro sa Nets noong 2001 hanggang 2008.