MANILA, Philippines - Sa pagsara ng tabing sa 89th NCAA season kahapon ay abot ngiti ang mga mag-aaral at school officials ng host College of St. Benilde at University of Perpetual Help.
Isinagawa ang Cheering competition sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at napagtagumpayan ng Altas Perps Squad ang palawigin sa ikalimang sunod ang dominasyon sa nasabing kompetisyon.
Isa lang ang masasabing sumabit sa ipinakitang routine ng Perpetual para hindi matabunan ang solidong performance na nagtulak para makakuha sila ng 480.5 puntos sa mga hurado.
Taong 2003 nang si-mulan ang cheerdance sa NCAA at ang kampeonato ng Altas ang kanilang ikawalo sa huling sampung edisyon.
Pumangalawa sa ikalawang sunod na taon ang Arellano University sa 468 puntos habang ang Mapua ang kumuha ng ikatlong puwesto sa 450.5 puntos.
Ang Lyceum ang pumang-apat sa 440.5 puntos bago sumunod ang Jose Rizal University (426), Emilio Aguinaldo College (420.5), St. Benilde (415.5), Letran (384.5), San Beda (329.5) at San Sebastian (278).
Hindi na inintindi ng Blazers ang kabiguan sa event na ito dahil sila ang tunay na nagwagi sa Season 89 nang bitbitin ang overall championship ta-ngan ang 550.5 puntos.
Nagpanalo sa host school ang dominasyon ng men’s beach volley para biguin ang hinangad na four-peat ng San Beda na nakontento sa pangalawang puwesto sa tinapos na 544 puntos.
Bukod sa men’s beach volley ay nagdomina rin ang St. Benilde sa men’s at women’s badminton bukod sa men’s tennis pero tumapos sila sa ikalawang puwesto sa men’s at wo-men’s swimming, men’s chess, women’s table tennis at women’s taekwondo.
May 11 sports ang pinaglabanan sa taon at ang kampeon ay may 50 puntos habang ang puma-ngalawa at pumangatlo ay may 40 at 35 puntos. Ang pumang-apat hanggang pumang-sampu ay may tinanggap na 30, 25, 20, 10, 8, 6 at 4. Walang puntos ang ibinibigay sa paaralan na hindi sumali sa isang event.
Kampeon ang San Beda sa men’s at women’s swimming, table tennis at taekwondo bukod sa men’s basketball at football pero hindi maganda ang tinapos ng inilahok sa ibang events para puma-ngalawa lang.