Mekel lalaro muna sa Dallas D-LeAgue team

DALLAS – Handa na si Mavericks rookie guard Gal Mekel  matapos mawala ng halos 2-buwan dahil sa injury sa tuhod at lalaro ng hindi bababa sa 2-laro sa NBA Development League.

Inoperahan si Mekel noong January upang ayusin ang napunit na lateral meniscus sa kanang tuhod. Huli siyang naglaro noong Jan. 13 kontra sa Orlando at nakatakdang samahan ang Texas Legends para sa dalawang home games sa Dallas.

Ang 26-gulang na si Mekel ay ang ikalawang Israeli player sa NBA. Lumaro siya ng dalawang season sa Wichita State noong 2006-08 bago niya sinimulan ang kanyang professional career.

Si Mekel ay nag-average ng 2.4 points at 2.1 assists sa 30 games para sa Dallas.

Show comments