MANILA, Philippines - Pinutol ng Ateneo De Manila University ang 30-game winning streak ng karibal na De La Salle University matapos kunin ang 17-25, 25-23, 25-13, 25-20 panalo sa Game One ng UAAP women’s volleyball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni rookie hitter Michelle Morente ang Ateneo sa kanyang 17 points, samantalang naglista naman sina veteran Alyssa Valdez at Amy Ahomiro ng tig-16 points sa pagsulong naman ng Lady Eagles sa pang-pitong sunod na panalo .
Ang La Salle ay may taglay na ‘thrice-to-beat’ advantage.
Pinangunahan naman ni Cyd Demecillo ang La Salle sa kanyang 16 points mula sa 13 attacks at 3 blocks.
Nagdagdag si Ara Galang ng 13 points at may 10 points si team captain Aby Maraño para sa La Salle.
Unang talo ito ng La Salle sa finals sapul nang malasap ang 23-25, 28-26, 25-23, 25-17 decision sa Lady Eagles sa Game One ng Season 74 title series noong Feb-ruary 22, 2012. Mayroon din silang thrice-to-beat advantage noon.
Samantala, muling tinalo ng National University ang Ateneo, 25-22, 21-25, 25-23, 27-25 upang tuluyang angkinin ang korona sa men’s division.
Winalis ng Bulldogs ang kanilang best-of-three finals kung saan ang panalong ito ng NU ang siyang puÂmigil din sa pag-ukit ng kasayÂsayan ni Marck Espejo ng Ateneo na natata-nging volleyball player sa kasaysayan ng liga na nagwagi ng Most Valua-ble Player at Rookie of the Year.
Gumawa ang fourth-year Team Captain ng NU na si Rueben Inaudito ng 11 puntos mula sa anim na spikes at limang kill blocks sa Game 2 at siyang tinanghal na Finals MVP.