MANILA, Philippines - Bagama’t sunud-sunod ang panalo ng Miami, hindi pa rin nila mahabul-habol ang Indiana sa tuktok ng NBA Power Rankings ng Yahoo Sports.
1. Indiana Pacers (46-13; ranking nila last week: 1): Naipanalo ng Heat ang kanilang huling pitong laro, ngunit nanatili ang Pacers sa itaas ng East matapos manaig sa kanilang limang laro para sa NBA-best home record na 29-3 nang sila ay manalo sa Utah noong Linggo.
2. Miami Heat (42-14; ranking nila last week: 2): Lalabanan ng Miami ang San Antonio sa isang rematch ng 2013 NBA Finals. Nanaig ang Spurs sa dalawa sa kanilang tatlong home games sa Finals.
3. Oklahoma City Thunder (45-15; ranking nila last week: 3): Nagposte si Russell Westbrook ng mga ave-rages na 23.6 points, 6.6 assists at 1.6 steals sa kanyang huling tatlong laro matapos ang isang knee surgery.
4. Houston Rockets (40-19; ranking nila last week: 4): Haharapin ng Rockets ang mga bigating koponan sa Eastern Conference sa Houston ngayong linggo sa pagsagupa sa Miami sa Martes at ang pagharap sa Indiana sa Biyernes.
5. San Antonio Spurs (43-16; ranking nila last week: 5): Mainit na tinanggap ng Spurs ang pagbabalik ni All-Star point guard Tony Parker, nagtala ng 22 points, seven assists at 3 rebounds sa kanilang panalo sa Dallas. Hindi nakalaro si Parker sa anim na laban ng San Antonio.
6. Los Angeles Clippers (41-20; ranking nila last week: 6): Nakikipag-ensayo si dating Clippers forward Antawn Jamison sa Charlotte sa hangaring mapapirma ng isang koponan.
7. Portland Trail Blazers (41-18; ranking nila last week: 7): Bibisitahin ng Blazers ang Rockets sa Linggo sa isang matchup ng dalawang koponang naglalaban para sa West’s top playoff seeds.
8. Golden State Warriors (36-24; ranking nila last week: 8): Hindi puwedeng matalo kapag naghahabol para makaabot sa playoff. Ang di paglalaro ni Jermaine O’Neal sa kanilang pagkatalo sa Toronto dahil sa passport issue ay isang setback sa Warriors.
9. Phoenix Suns (35-24; ranking nila last week: 10): Sina guard Goran Dragic at swingman Gerald Green ay nagtulong para sa 50.5 points average matapos ang apat na games.
10. Dallas Mavericks (36-25; ranking nila last week: 9): Malamang na nagalit ang mga nagpapatakbo ng College basketball elite programs nang sabihin ni Mark Cuban na mas mabuti pa sa D-League na lang ang mga top recruits.