Cebuano fighters umabante sa semis
MAASIN, Leyte – Dinomina ng mga CebuaÂno boxers ang mga laban sa quarterfinal round ng 2014 PLDT-ABAP Visayas Area Boxing Tournament dito sa Maasin CiÂty gym.
Umiskor ng mga panalo sina junior boys pinweight (46kgs) Rimon RaÂma at Youth boys lightÂweight (60kgs) ViÂcenÂte Casido ng ALA Boxing Gym, habang nagtala ng taÂgumpay si Marvin Pomar ng Cebu City sa jr. boys pinweight division.
Binigo ni Rama si Jerry Mae Pandac ng Leyte Sports Academy, 3-0, samantalang pinayukod ni Casidosi local bet Javier Alemar ng Maasin City Team A, 3-0, patungo sa semifinal round.
Isang 3-0 panalo rin ang inilista ni Pomar kontra kay Mateo Maquiling ng Southern Leyte para umabante sa semifinals.
Dinaig naman ni MaÂasin City Team B pride Shaquel Miole si Raymart Alara ng Bago City, 3-0, sa jr. boys pinweight division.
Maglalaban sina RaÂma at Pomar para sa gold meÂdal round, habang magÂtatapat naman sina MioÂle at Romie Evale ng MaÂasin City Team A.
Awtomatikong nakaÂpaÂsok si Evale sa quarterÂfinals noong Biyernes maÂtapos magkaroon ng bye.
Ang pinakamabilis na panalo ay naiposte ni Leo Domingo Napuli ng Maasin City Team B matapos pagretiruhin si Edu Kuizon ng Southern Leyte Team B bago matapos ang first round.
- Latest