^

PM Sports

Hataw si LeBron kahit may maskara

Pang-masa

MIAMI - Naglaro nang suot ang isang maitim na carbon-fiber mask para protektahan ang kanyang nabasag na ilong, umiskor si LeBron James ng 31 points para igiya ang Mia-mi Heat sa 108-82 paggupo sa New York Knicks.

“I tried to put pressure on the defense, tried to make plays and I was happy to be back on the floor,” sabi ni James, nabasagan ng ilong noong Pebrero 20 sa kanilang panalo laban sa Thunder sa Oklahoma City.

Nagtala si James ng 13 of 19 shots at nagsabing patuloy na isusuot ang kanyang protective mask sa mga susunod nilang laro.

Hindi nakaapekto kay James ang kanyang suot na maskara matapos umiskor ng 11 points sa opening quarter para sa Heat na hi-nawakan ang isang six-point lead na pinalobo pa sa 16 sa second quarter.

Ang binitawang hook shot ni Dwyane Wade ang nagbigay sa Miami ng 43-27 bentahe na hindi na napababa ng New York.

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 23 points para sa Heat na tinalo ang New York sa iskoran, 23-3, sa huling 7:02 minuto sa third period patungo sa kanilang ikaanim na sunod na ratsada.

Nag-ambag sina Norris Cole, Mario Chalmers at Ray Allen ng tig-11 points para sa Heat.

Umiskor si Carmelo Anthony ng 29 points para sa New York subalit hindi nakaiskor sa kabuuang 21:38 minuto.

Humakot naman si Tyson Chandler ng 19 points at 16 rebounds, habang may 11 markers si J.R. Smith.

Sa iba pang resulta, binigo ng Indiana Pacers ang Milwaukee Bucks, 101-96; at giniba ng Wa-shington Wizards ang Toronto Raptors, 134-129.

CARMELO ANTHONY

DWYANE WADE

INDIANA PACERS

MARIO CHALMERS

MILWAUKEE BUCKS

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

NORRIS COLE

OKLAHOMA CITY

RAY ALLEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->