PSC namigay ng incentives sa ParaGames medalists
MANILA, Philippines - Ipinagkaloob kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang cash incentives sa mga differently-abled athletes na nanalo ng medalya sa ASEAN ParaGames sa Myanmar noong Enero 14 hanggang 20 sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Ang Pilipinas ay naglahok ng 79 atleta at tumapos sa ikaanim na puwesto bitbit ang 34 ginto, 26 pilak at 36 bronze medals.
Si PSC commissioner Jolly Gomez ang siyang nanguna para sa ahensya sa incentive-giving at mahigit na P1.5 milyon ang tseke na kanilang ipi-namahagi.
Ang bawat ginto ay nagkalahaga ng P25,000 insentibo habang ang pilak ay may P15,000 reward at ang bronze medal ay may P10,000 premyo.
Nakasama ni Gomez sa seremonya si dating PSC commissioner at ngayon ay Philippine Sports Association for the Differently-Abled (Philspada) chairman Mike Barredo.
Ang athletics ay naghatid ng pinakamaraming medalya na anim na ginto, pitong pilak at walong bronze medals.
Sina Jeannette Acebeda at Marites Burce ay pinalad na nanalo ng tig-dalawang ginto para mabigyan ng P50,000.00 insentibo. Sina Isidro Vildosola at Sixto Ducay ang iba pang nanalo ng ginto sa athletics.
Ang chess ang puma-ngalawa sa naiuwing anim na ginto, apat na pilak at apat na bronze medal.
Namuno sa delegasyon sina Henry Lopez at San-der Severino na nag-uwi ng dalawang individual at isang team gold.
Ang iba pang delegasyon na nanalo ng ginto ay ang swimming na may lima, table tennis na may dalawa at powerlifting na may isa. (AT)
- Latest