Richard Gomez makakasama sa Phl Team?
MANILA, Philippines - Sa paghirang ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa unang National men’s team ay inaasahang makakasama si actor-sportsman Richard Gomez, ang volleyball ambassador ng Philippine Superliga (PSL).
Ihahayag ng PVF ang bagong National squad sa Marso 9 matapos piliin ni National coach Francis Vicente ang komposisyon nito mula sa 30 atletang inanyayahang sumali sa tryouts na kasalukuyang ginagawa sa Rizal Memorial Arena.
Ang koponan ay isasabak para sa 2014 PLDT HOME Fibr Asian Men’s Volleyball Club Championship (AMCC) na idaraos sa tatlong magkakaibang venues sa Metro Manila.
Gagawa ng kasaysayan si Gomez bilang tanging Filipino athlete na nakasama sa apat na National team sa magkakaibang sports disciplines.
Unang sumali si Gomez sa National rowing team noong 1990s bago napabilang sa National fencing team. Naging shotgun entry din si Gomez sa shooting noong 2005 SEA Games sa Manila kung saan siya tumapos bilang ikaapat.
“I am determined to join the men’s volleyball team,†sabi ni Gomez.
- Latest