Maganda ang takbo ng training ni Bradley

MANILA, Philippines - Kuntento na si WBO welterweight Timothy Bradley sa takbo ng kanyang ginagawang training anim na linggo bago ang kanilang rematch ni Manny Pacquiao sa Abril 12.

Sa panayam ni Ben Thompson ng fighthype.com, ipinaliwanag ni Bradley na plano niyang ubusin ang walong linggo sa kanyang pagsasanay kumpara sa ginawa niyang apat na buwan na paghahanda sa kanilang unang paghaharap ni Pacquiao dalawang taon na ang nakalilipas.

“I’m feeling great. I’m ahead of schedule right now. I’m not killing my body,” sabi ni Bradley.

“I did 12 weeks last training camp for the Pacquiao fight. I think I was ready around eight weeks. It was hard man, because I had to taper really early then pick up again at the end,” dagdag pa nito.

Ayon sa undefeated American, narating na kaagad niya ang kanyang ‘peak’ ng mas maaga sa inaasahan kaya pinaikli niya ang ginawa niyang pagsasanay.

“I didn’t really have that peak performance like I wanted, so this time around I’m gonna do eight weeks,” wika ni Bradley, tinalo si Pacquiao via split decision noong Hunyo ng 2012.

Nang tanungin kung mayroon siyang problema sa timbang, sinabi ni Bradley na ito ang pinakahuli niyang aalalahanin.

“My weight’s great. My weight’s down. I’m in the low [1]60s. I got about 15 pounds to drop within the next two months and that’s normal for me. Normally I’m around 170, 175 [pounds]. I got up to 185 after the Pacquiao fight the first time,” ani Bradley.

Sinimulan naman ni Pacquiao ang kanyang sparring kamakailan kung saan niya hinarap sa loob ng four rounds si undefeated prospect Lydell Rhodes.

Sa isang report ng GMA-7, inilarawan ni Rhodes si Pacquiao na,   “in better shape than I thought he’d be.”

Lalabanan ni Pacquiao si Bradley sa MGM Grand sa Las Vegas para sa korona ng huli.

 

Show comments