MANILA, Philippines - Naghatid si Mark Barroca ng 14 puntos sa huling yugto para ibigay sa San Mig Coffee ang 93-87 panalo sa Rain Or Shine at iuwi na ang PLDT myDSL PBA Philippine Cup kagabi sa nag-uumapaw na Smart Araneta Coliseum.
Ito ang ikalawang sunod na titulo ng Mixers sa liga at lalabas na rin si coach Tim Cone bilang winningest coach sa PBA sa kanyang ika-16 titulo.
Lumamang na ng 17 puntos ang Mixers sa ikalawang yugto, 49-32, pero nakabangon ang Elasto Painters at nakalamang pa sa 67-64 sa magkasunod na tres nina Chris Tiu at Paul Lee.
Ngunit naroroon si Barroca sa mahalagang huling yugto upang ibigay sa Mixers ang 4-2 panalo sa best-of-seven title series.
Ang kanyang one-hander ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa laro sa Mixers, 70-69, bago siya magpakawala ng walong sunod na puntos upang palawigin ang bentahe sa 89-83 bagay na hindi na kinaya pang baligtarin ng ROS.
“We work really, real-ly hard in this series and I’m very, very proud of my players,†wika ni Cone.
Ang laro ay nakitaan ng muntik nang pagwo-walkout ng Rain Or Shine na nangyari sa 11:39 sa second period nang hindi nagustuhan ng koponan ang foul kay JR Quinahan laban kay Marc Pingris matapos butatain ang attempt nito.
Lamang ng 13 ang Mixers sa puntong ito, 30-17 at ilang minuto rin na namalagi sa dugout ang Elasto Painters bago buma-lik ng court matapos mag-usap sina commissioner Chito Salud at isa sa team owner na si Raymund Yu.
Isang pagpupulong ang gagawin ngayong tanghali sa pagitan ni Salud at Rain Or Shine officials para malaman kung papatawan ba ng multa ang koponan na nasa P2 milyon dahil sa kanilang aksyon. (AT)
SAN MIG SUPER COFFEE 93 - Barroca 24, Sangalang 15, Devance 12, Pingris 12, Yap 10, Simon 9, Reavis 5, Mallari 4, Melton 2.
RAIN OR SHINE 87 - Lee 23, Belga 21, Cruz 11, Chan 7, Quinahan 6, Rodriguez 6, Arana 5, Tiu 3, Ibanes 3, Norwood 2, Almazan 0, Tang 0.
Quarterscores: 30-17, 49-43, 66-67, 93-87.