MANILA, Philippines - Inaasahang aabot sa 18 ang bilang ng mga atletang isasabak ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa darating na sa 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China.
Ito ang inihayag ni POC president Jose Cojuangco kaugnay sa paglahok ng bansa sa YOG na nakatakda sa Agosto 16-28.
Noong 2010 YOG sa Singapore ay siyam na atleta ang ipinadala ng bansa at nabigong makapag-uwi ng anumang medalya.
Sinabi ni Cojuangco na gusto nilang doblehin ang bilang ng delegasyon para mapalakas ang tsansa ng bansang makakuha ng medalya sa 2014 YOG.
Dalawang archers na ang nakapasa para sa YOG bukod pa sa ilang sports na nagnanais na makapaglahok ng atleta sa Nanjing.
Sakaling makapasa ang nasabing mga atleta ay hihingi ang POC president ng suporta mula sa kanyang mga kaibigan sa private sector.
“And already we have candidates. We can pull it off here,†sabi ni Cojuangco, iniluklok si Philippine Canoe Kayak Federation president Jonne Go bilang chef-de-mission ng Philippine team para sa YOG.
Itatampok sa Youth Olympic Games ang mga pinakamahuhusay na batang atleta mula sa buong mundo.
“We will prepare our athletes and I will approach my friends from the private sector. Paaalagaan ko na sila. I’ve talked to certain people already and they are willing to help,†dagdag pa ni Cojuangco.
Ang mga sports events sa YOG na puwedeng lahukan ng bansa ay ang golf, taekwondo, boxing, 3-on-3 basketball, athletics, gymnastics, fencing, swimming, triathlon, shooting at BMX.
“We can have as many as six from taekwondo and four from boxing,†ani POC chairman Tom Carrasco.
Sa Asian Youth Games noong nakaraang taon, nanalo sina golfer Mia Legaspi at taekwondo jin Pauline Louise Lopez ng gold medals habang sina Princess Superal ng golf, Francis Aaron Agojo ng taekwondo at Jurence Mendoza ng tennis ang nag-deliver ng silver me-dals.