MANILA, Philippines - Dumating na kahapon si Olympic figure skater Michael Christian MartiÂnez matapos ang pagsabak sa nakaraang 2014 WinÂter Games sa Sochi, Russia.
Kaagad na binisita ng 17-anyos na si Martinez ang SM Mall of Asia sa Pasay City kung saan siya nagsimula bilang isang baÂtang aspirante.
Siya ang kauna-unaÂhang figure skater sa SouthÂeast Asia na nakaÂpaglaro sa Winter Olympic Games.
Umakyat si Martinez sa No. 19 overall sa men’s singles mula sa pagiging No. 30.
Sa kanyang pagdaÂting ay tumanggap ang Olympian ng mga regalo at sorpresa.
Nagbigay si SM Prime Holdings, Inc. PreÂsident Hans Sy kay Martinez ng tsekeng $10,000 (P450,000) mula sa SM Foundation, Inc.
Tumanggap din si MarÂtinez sa SM ng isang Lifetime Skating Privilege para sa libre niyang pagÂgamit sa anumang skaÂting rinks ng SM bukod pa sa isang Global PiÂnoy Card.
Maliban sa SM, nakatanggap din si Martinez ng mga gift certificates at cash cards buhat sa The SM Store, SM Supermarket at China BanÂking Corporation at isang free three-day/ two-night accommodation sa Taal VisÂta Hotel.
Nakatakdang ipakita ni Martinez ngayong alas-4 ng hapon ang kanyang pamatay na porma sa SM Southmall.
Bukas ay makikita naman si Martinez sa Mall of Asia sa ganap na alas-12 ng tanghali at sa alas-4 ng hapon sa SM Megamall.
Sa Marso 10-16 ay laÂlahok si Martinez sa World Junior Figure SkaÂting Championships sa Sofia, Bulgaria.
Siya ay No. 5 overall noÂong 2013 sa naturang torÂneo.
Hangad ni Martinez na makapag-uwi ng medalya sa nasabing torneo matapos ang kanyang ginawang pagsasanay at eksperyensa sa 2014 Winter Olympics.
Matapos ito ay magsasanay si Martinez sa UniÂted States para sa Grand Prix of Figure Skating Championships series na nakatakda sa Agosto.
Sa kanyang murang edad ay nakikita si Martinez sa SM Southmall sa Las Piñas at sa SM Mall of Asia para sa mga figure skating competitions.