Valdez lumabas na Best Scorer at Server

MANILA, Philippines - Lumabas na si Ateneo skipper Alyssa Valdez ang muling tatanghaling  Best Scorer at Best Server nang kanyang pangunahan ang statistics matapos ang eliminations ng UAAP Season 76 women’s volleyball tourney.

Nakalikom si Valdez ng 269 points mula sa 212 spikes, 22 blocks at 35 aces para maging scoring champ ng liga at nagposte rin siya ng 0.74 average by set sa service department.

Si Dindin Santiago ng National U ang Best Spiker sa kanyang 189 spikes mula sa 410 attempts para sa league-best na 46.10 success percentage habang si Katherine Bersola ng University of the Philippines ang Best Blocker sa kanyang 42 kill blocks at 0.91 average by set.

Si Lady Eagle Denise Lazaro ang nanguna para sa Best Digger (159 digs, 3.38 average by set) at Best Receiver (147 excellent reception, 31.72 percent efficiency) habang si Kim Fajardo ng mainit na defending champion La Salle ang sumiguro ng Best Setter sa kanyang 305 running sets, 715 still sets at 6.93 average by set.

Na-sweep ng DLSU Lady Spikers ang 14-game eliminations para makuha ang automatic finals berth at thrice-to-beat advantage at nakita sa stats kung gaano sila kadominante makaraang magtapos bilang No. 1 sa iba’t ilang categories.

Nanguna ang DLSU  sa blocks (123 kill blocks, 2.80 average by set) sa tulong ni Mika Reyes at Season 75 co-MVP Abigail Maraño na nagtulong sa 30 blocks at 0.68 average by set at 27 blocks at 0.61 average by set, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna din sila sa setting, logging 326 sets at may average na 7.41 by set.

Ang Taft-based spikers ay pumangalawa sa spike (523 at 33.79 percent success rate laban sa NU na nanguna sa 626 at 37.60 percent); sa service (98 aces at 2.23 average laban sa nangunang Ateneo na may 114 aces at 2.41 average); at receive (21.10 efficiency rate laban sa  21.34 ng Ateneo).

 

Show comments