^

PM Sports

Ravanes bagong San Miguel coach

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng palitan sa hanay ng mga coaches sa dalawang koponan para palakasin ang kampanya sa PBA Governor’s Cup.

Tinapik ng Petron Blaze Boosters ang dating assistant coach na si Melchor ‘Biboy’ Ravanes para palitan ang head coach na si Gee Abanilla na sinipa pataas dahil siya na ang uupo bilang team manager ng koponan.

Ang dating team manager na si Siot Tanquingcen ay lumipat naman sa Barako Bull bilang coaching consultant ni head coach Bong Ramos.

Ang pagkilos ay nangyari matapos ang kabiguan ng Boosters na pumasok sa Finals sa PLDT my-DSL Philippine Cup nang matalo sa Rain Or Shine, 4-1.

Lalabas si Ravanes, beterano rin ng 1979 World Championship for men sa Brazil, bilang ikaapat na coach ng koponan sa huling tatlong taon kasunod nina Renato Agustin, Olsen Racela at Abanilla.

Si Ravanes ay kilala bilang isang defensive player noong aktibo pa sa paglalaro kaya’t inaasahan na ito ang kanyang itatatak na istilo sa koponan.

Makakatulong ni Ravanes na kabilang sa pagdiskarte ang American coach at dating consultant ni Abanilla na si Todd Purves.

Isa ang Petron sa mga malalakas na koponan sa liga dahil nasa kanila ang higanteng si June Mar Fajardo bukod pa sa PBA MVP na si Arwind Santos. Ang dalawa nga ang nangunguna sa karera para sa Best Player of the Conference.

Si Tanquingcen ay lumipat ng Barako Bull dahil tapos na ang kanyang kontrata sa Petron. Isang three-time PBA champion coach, sasamahan ni Tanquingcen si Coy Banal na tutulong kay Ramos.

 

ABANILLA

ARWIND SANTOS

BARAKO BULL

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BONG RAMOS

COY BANAL

GEE ABANILLA

JUNE MAR FAJARDO

OLSEN RACELA

RAVANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with