NEW ORLEANS — Pagkatapos manilbihan bilang NBA commissioner, iluluklok naman si David Stern sa Hall of Fame.
Ang kareretiro lang na si Stern ay napili sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame and will be enshrined bilang bahagi ng class of 2014 na gagawin sa Aug. 8 sa Springfield, Massachusetts.
Umaasa naman sina Alonzo Mourning, Tim Hardaway, Mitch Richmond, Kevin Johnson at Spencer Haywood na mapasama sa grupo matapos mapiling finalists. Ihahayag ang komposisyon ng class of 2014 sa April 7 sa NCAA men’s Final Four.
Nagretiro si Stern noong Feb. 1 matapos ang eksaktong 30 years na paninilbihan bilang commissioner ng liga na inihatid niya sa tagumpay. Sinabi ni Jerry Colangelo, chairman ng Hall of Fame board, na umaasa sila na mabibigyan ng magandang tribute si Stern.
“He deserves to be recognized in a huge way,†sabi ni Colangelo.
Napili si Stern ng contributors committee kasama sina Lithuania star Sarunas Marciulionis na napili ng ng ABA committee, former New York Knicks player Nat ‘Sweetwater’ Clifton na napili ng African-American pioneers committee at former Temple star Guy Rodgers na napili ng veterans committee.