MANILA, Philippines - Nakumpleto lahat ng Filipino skater na si Michael Christian Martinez ang mga pinangarap matapos ang paglahok sa figure skating sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.
Naisakatuparan ng 17-anyos na si Martinez ang target na pumasok sa Top 24 nang tapusin ang dalawang araw na torneo sa short program at free stakes sa ika-19th place.
Ginawaran siya ng 64.81 puntos sa short program at 119.44 sa free skates tungo sa 184.25 total points.
Pero ang isa pang nagbigay kasiyahan sa tubong Muntinlupa City ay ang pagkakataon na nakaharap at nakausap ng personal ang iniidolong si Patrick Chan.
Si Chan na tubong Canada ay isang four-time world champion at sa naturang kompetisyon ay umani ng pilak kasunod ng Hapong si Yuzuru Hanyu.
Maagang dumating sina Martinez at Chan sa Sochi kaya’t madalas silang magkita habang nagsasanay.
“Before I was just watching him on YouTube,†wika ni Martinez sa panayam na lumabas sa The Canadian Press.
Binigyan pa siya ng tip ni Chan sa pag-skate na nakatulong para maging maganda ang ipinakita sa dalawang araw na kompetisyon.
“He gave me some knowledge. It felt really great. I feel like a champion because I’m skating with Patrick Chan,†dagdag nito.
Si Martinez ang kauna-unahang Filipino at South East Asian figure skater na napasama sa Winter Games at naitatak niya ang kanyang marka nang kila-lanin ang kanyang potensyal na sumikat sa larong ito.
Dahil sa naabot ni Martinez, nagbigay agad ng insentibo si businessman/sports patron Manny V. Pangi-linan ng US$10,000.00 (P450,000.00).
Ayon pa kay Martinez, ang karanasang nakuha niya ay magtutulak sa kanya para paghusayan pa ang pag-lalaro upang mapasama sa 2018 Games sa Pyeongchang, South Korea.