NEW ORLEANS -- Niliparan ni John Wall ng Washington Wizards ang kanyang mascot at tinalo ng East ang West sa slam dunk contest.
Sinagot ang dunk ni Sacramento rookie Ben McLemore kung saan nilipad nito ang nakaupo sa trono ng haring si Shaquille O’Neal, kinuha ni Wall ang bola mula sa Wizards mascot na si G-Man na hinawakan ito sa kanyang ulo at inilusot ito sa kanyang mga binti at isinalpak ang isang two-handed reverse dunk.
“It was only my second time doing it. My first time was on Thursday,’’ sabi ni Wall. “So I just felt comfortable with myself and I knew it was a dunk that hasn’t been done before.’’
Ibinigay nina judges Dominique Wilkins, Magic Johnson at Julius Erving ang panalo kay Wall sa kanyang matchup matapos piliin si Paul George kumpara kay Harrison Barnes at ang defending champion na si Terrence Ross kesa kay Damian Lillard sa unang dunk contest.
“The slam dunk has returned,’’ wika ni Erving, ang isa sa mga kinatatakutang dunkers sa NBA sa kanyang panahon.
Ipinakita ni McLemore ang kanyang suot na kapa at sinundan ni O’Neal na nagtampok naman sa kanyang ‘Shaq-Lemore’ jersey.
Muling niliparan ni McLemore ang trono ni O’Neal para sa kanyang pagtatangka at ibinigay ni O’Neal ang korona sa kanya. Ngunit matapos ito, si Wall ang hinirang na tunay na hari.
Napanalunan naman ni San Antonio guard Marco Belinelli ang 3-point contest, habang sina Lillard at Utah rookie Trey Burke ang namayani sa skills challenge para sa dalawang panalo ng West.
Sina Miami forward Chris Bosh, Wilkins at WNBA star Swin Cash ang nagwagi sa unang event na shooting stars para sa East.
Tinangka ng NBA na paingayin ang All-Star sa pagbabalik nito sa New Orleans sa pamamagitan ng pagpapatupad ng pagbabago sa format na hindi mas-yadong tinanggap ng mga fans.
Pinaglaban ang mga pambato ng Eastern at Western Conference at nakinabang ang mga napili nilang charity.