Martinez tumapos na pang-19 sa 2014 Winter Olympics
MANILA, Philippines - Sapat lamang ang ipiÂnakita ng 17-anyos na si Michael Christian MartiÂnez sa Free Skate para maÂÂlagay sa ika-19 puwesto sa pangkalahatan sa pagÂtaÂtapos ng men’s singles fiÂgure skating noÂong Biyernes sa 2014 WinÂter Olympics sa SoÂchi, Russia.
Hinangaan muli ang kauÂna-unahang Filipino at South East Asian skater na nasali sa kompetisÂyon sa ganda ng routine, haÂbang itinutugtog ang ‘MaÂlaguena’ sa Iceberg SkaÂting Palace.
Tulad sa ginawa sa short program sa unang araw ng kompetisyon, waÂlang naging problema si Martinez sa pagsasagawa ng mahirap na triple axle at triple loops.
“That triple axle went up like a rocket,†tinuran ng commentator sa ipinaÂkita ni Martinez.
Matapos ang perforÂmance, si Martinez na naÂbawasan ng isang puntos bunga ng pagkakadulas, ay ginawaran ng 119.44 punÂtos.
Isinama sa 64.81 marka sa short program, tinapos ni Martinez ang laban taglay ang 184.25 puntos para hindi na bitiwan ang puwestong inokupahan maÂtapos ang unang araw ng tagisan.
“Sobrang saya ko,†wiÂka ni Martinez sa paÂnayam sa telebisyon. “Thankful talaga ako sa support na binibigay ninÂyo.â€
Labis-labis ang kagaÂlakan ni Martinez dahil ang target lamang sa pagÂlahok ay masama sa Top 24 na papasok sa medal round na kanyang naisaÂkatuparan.
Sinabi rin niya ang plaÂno na magpatuloy sa pagÂlalaro at inaasinta niya ang makapasok sa 2018 WinÂter Games sa PyeongÂchang, South Korea at naÂnanalig din siya na may mga tutulong pa sa kanya laÂlo na sa gastusin para mangyari ito.
Una naman si sportsman/businessman Manny V. Pangilinan sa nagbigay ng insentibo sa batang skaÂter nang gantimpalaan niÂya ito ng $10,000.00 (halos P450,000.00).
Si Martinez ang ikaliÂmang atleta na kumataÂwan sa Pilipinas sa Winter Games, ngunit ang naÂunang apat ay mga Fil-AmeÂrican.
Hinigitan din ni MartiÂnez ang dating pinakamaÂtaas na pagtatapos na naiÂtala ni Raymond Ocampo sa ika-35th place noong 1988 sa Calgary, Canada.
Unang nasali ang Pilipinas sa Winter Games noÂÂong 1972 sa Sapporo, JaÂpan sa katauhan nina Juan Cipriano at Ben NaÂnasca sa alpine skiing at noong 1992 sa Albertville, France.
- Latest