NEW ORLEANS -- Ang NBA All-Star weekend ay trabaho para kay Damian Lillard na siyang magiging pinaka-busy na player sa lahat para sa event na ito, para kay Carmelo Anthony, pagkakataon ito para makakawala sa trabaho.
May dapat abangan ang lahat sa midseason event na ito ng NBA.
Magsisimula ito ngayong Biyernes sa paghahayag ng mga finalists at direction electees para sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame at matatapos ito sa All Star Game sa Linggo sa Smoothie King Center.
“The NBA, we have the best All-Star, No. 1 because it obviously lasts the entire weekend. We do a great job of celebrating our legends, I think we do that better than anybody else,’’ sabi ni Hall of Famer at TNT analyst Charles Barkley. “It’s the greatest thing the NBA does well.’’
Ang huling All-Star weekend sa New Orleans ay noong 2008. Marami ang natuwa sa pasusuot ni Dwight Howard ng kapa ni Superman para manalo ng slam dunk contest at nakopo ni LeBron James ang MVP award matapos tulungan ang Eastern Confe-rence na talunin ang West.
May pagkakataon si Lillard na maging star para sa linggong ito dahil kasali siya sa lahat ng mga itatanghal na events. Ang Portland guard na si Lillard, Rookie of the Year ng nakaraang season, ang magi-ging unang player na sasali sa lahat ng limang events. Isang first-time All-Star selection, sasali rin si Lillard sa Rising Stars Challenge para sa rookies at second-year players, magtatanggol ng kanyang titulo sa Skills Challenge at kasali rin sa dunk at 3-point contests.
“It’s obviously something that nobody has done before and I was presented with the opportunity, and they’re all events that I feel like I’m capable of competing in, so I figured, ‘Why not make history?’’’ pahayag ni Lillard.
Si Anthony na magiging starter sa East, ay may tsansang makatikim ng panalo sa season kung saan hirap ang kanyang team na New York Knicks.
“It’s going to be tough to kind of get into everything that’s going on, but once I get down there, see friends, see family, kind of not think about this for a couple of days, maybe it’ll change,’’ aniya.