Laro NGAYON
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
2 p.m. - Blackwater Sports
vs Big Chill
4 p.m. - Hog’s Breath Cafe vs NLEX
MANILA, Philippines - Itakda ang ikalawang sunod na pagkikita sa championship round ang balak ng NLEX at Blackwater Sports sa Game two ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kalaro ng Elite ang Big Chill sa ganap na ika-2 ng hapon habang susukatin uli ng Road Warriors ang Hog’s Breath Cafe dakong alas-4 at pilit na sasandalan ng Blackwater at NLEX ang mga tagumpay na naiposte sa unang pagtutuos sa best-of-three series noong Martes.
“We are determined to close out this series. We don’t want to delay our goal of making it back to the Finals,†wika ni Elite coach Leo Isaac.
May limang sunod na panalo ang koponan sa taon at aasa uli ang mga panatiko ng Elite sa mahusay na pagtutulungan nina Jericho Cruz, Allan Mangahas, Kevin Ferrer, Narciso Llagas at Bacon Austria na tumapos taglay ang mahigit na 10 puntos sa huling laro.
Tiyak naman na gagawa ng adjustments si Superchargers coach Robert Sison para maihirit ang deciding Game three.
Kailangan nilang tapatan ang intensidad ng Elite bagay na hindi nagawa lalo na sa second quarter nang naiwanan sila gamit ang 23-6 bomba.
Patok ang Road Warriors na maitala ang ikaanim na sunod na pagtapak sa championship round matapos ang 99-74 pagdurog sa Razorbacks.
Hindi naman kumakagat si NLEX coach Boyet Fernandez na madaling laro ito dahil nakikitang mas mabangis ang katunggali na must-win sa labanan.
“It ain’t over till it’s over. They’ll be dange-rous in Game Two and I’m hopingthat we could build on and carry the momentum of this victory in Game two,†pahayag ni Fernandez. (AT)