La Salle lumapit sa Finals; Ateneo pasok sa semis

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. FEU vs UP (women)

4 p.m. NU vs Adamson (women)

 

 

MANILA, Philippines - Lumapit ang La Salle sa dalawang panalo para umabante na sa Finals, ha­bang sinelyuhan ng Ate­neo ang playoff para sa Final Four.

May 18 puntos si Ara Galang, habang 11 ang ibi­nigay ni Mika Reyes at ang dalawa ang nagtrangko sa atake at depensa ng Lady Archers tungo sa 25-23, 25-19, 25-19 straight sets win kontra sa UST sa UAAP women’s volleyball tournament ka­hapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Sa first set lamang na­kasabay ang Tigresses nang lamunin nila ang pi­tong puntos na agwat ng La Salle tungo sa pagdikit sa 23-22.

Ngunit ang malawak na karanasang taglay ng three-time defending cham­pion Lady Archers ay sapat na para makuha ang panalo sa first set.

Mula rito ay hindi na nagpabaya ang mga manlalaro ni coach Ramil de Jesus para iangat sa 12-0 ang baraha.

May tig-10 hits sina Pam Lastimosa at Carme­la Tunay para sa UST na namaalam na sa torneo sa tinamong 4-8 baraha.

Humataw si Alyssa Val­dez ng 20 puntos, ka­sama ang limang service aces, habang si Amy Aho­miro ay may 11 puntos, tampok ang tatlong blocks, para bitbitin ang Ateneo sa 25-17, 25-12, 25-22 pagdagit sa UE sa unang laro.

May 8-4 marka ang La­dy Eagles.

Show comments