Si Orcollo ang top money earner sa hanay ng mga Pinoy cue artists

MANILA, Philippines - Nagpakita ng magandang senyales si Dennis Orc­ollo ng kanyang kahan­daan na pagningni­ngin ang laban ng mga Pi­noy cue artists para sa taong 2014.

Hindi pa natatapos ang pangalawang buwan sa taong ito ay nasa ika­la­wang puwesto na si Or­col­lo sa palakihan ng prem­yong napanalunan ng mga bil­yarista sa mundo.

Kumabig na ang tubong Bislig, Surigao del Sur ng $41,050.00 at tampok rito ang pagsung­kit ng pinagsamang $30,000.00 premyo sa Der­­by City Classic Master of the Table at 9-Ball Banks Division.

Sa kabuuan ay may apat na panalo na ang 35-anyos na manlalaro pa­ra mamuro sa hanga­ring pumasok muli sa $100,000.00 marka na kan­yang naabot mula no­ong 2011.

Ang mga hinahanga­ang sina Efren “Bata” Re­yes at Francisco “Django” Bustamante ay na­sa ika­apat at anim na pu­wes­to sa talaan.

Sa edad na 60-anyos ay nagawa pa ni Reyes na pagharian ang One Pocket Division sa DCC upang katampukan ang $19,050.00 premyo na na­i­bulsa na.

Higit ito sa $14,366.00 na napanalunan noong 2013 para ipa­kita ni Reyes na kaya pa niyang kuminang sa malalaking kompetisyon kung mabibigyan ng pagkakataon.

Dalawang segundo pu­westo sa 9-Ball Banks at Bank Pool Ring Game sa DCC ang sinan­dalan ni Bustamante pa­ra makakuha na ng $14,650.00 gantimpala.

Sa bisa sa pagkapana­lo sa 1st Chinese 8-ball Mas­ter na nagkahalaga ng $50,000.00, ang Briton na si Gareth Potts ang nasa una­han sa talaan, habang ang 2013 top mo­ney ear­ner na si Shane Van Boening ng US ang na­­sa ikatlong puwesto ($38,000.00).

 

Show comments