Si Orcollo ang top money earner sa hanay ng mga Pinoy cue artists
MANILA, Philippines - Nagpakita ng magandang senyales si Dennis OrcÂollo ng kanyang kahanÂdaan na pagningniÂngin ang laban ng mga PiÂnoy cue artists para sa taong 2014.
Hindi pa natatapos ang pangalawang buwan sa taong ito ay nasa ikaÂlaÂwang puwesto na si OrÂcolÂlo sa palakihan ng premÂyong napanalunan ng mga bilÂyarista sa mundo.
Kumabig na ang tubong Bislig, Surigao del Sur ng $41,050.00 at tampok rito ang pagsungÂkit ng pinagsamang $30,000.00 premyo sa DerÂÂby City Classic Master of the Table at 9-Ball Banks Division.
Sa kabuuan ay may apat na panalo na ang 35-anyos na manlalaro paÂra mamuro sa hangaÂring pumasok muli sa $100,000.00 marka na kanÂyang naabot mula noÂong 2011.
Ang mga hinahangaÂang sina Efren “Bata†ReÂyes at Francisco “Django†Bustamante ay naÂsa ikaÂapat at anim na puÂwesÂto sa talaan.
Sa edad na 60-anyos ay nagawa pa ni Reyes na pagharian ang One Pocket Division sa DCC upang katampukan ang $19,050.00 premyo na naÂiÂbulsa na.
Higit ito sa $14,366.00 na napanalunan noong 2013 para ipaÂkita ni Reyes na kaya pa niyang kuminang sa malalaking kompetisyon kung mabibigyan ng pagkakataon.
Dalawang segundo puÂwesto sa 9-Ball Banks at Bank Pool Ring Game sa DCC ang sinanÂdalan ni Bustamante paÂra makakuha na ng $14,650.00 gantimpala.
Sa bisa sa pagkapanaÂlo sa 1st Chinese 8-ball MasÂter na nagkahalaga ng $50,000.00, ang Briton na si Gareth Potts ang nasa unaÂhan sa talaan, habang ang 2013 top moÂney earÂner na si Shane Van Boening ng US ang naÂÂsa ikatlong puwesto ($38,000.00).
- Latest