Pacquiao, Bradley dumalaw sa Philadelphia
MANILA, Philippines - Mula sa Beverly Hills sa California at New York CiÂty ay dumalaw sina Manny Pacquiao at Timothy BradÂley, Jr. para sa isang meet ‘n greet appearance sa haÂnay ng mga empleyado ng Comcast global headÂquartÂers sa Philadelphia.
Ito ang final stop ng media tour para sa rematch niÂna Pacquiao at Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ikinatuwa ng 35-anyos na Sarangani Congressman ang pagbati sa kanya ng mga Filipino employees sa naÂturang Comcast global headquarters.
Pinagbigyan niya ang mga kahilingan ng kanyang mga kababayan na magpakuha ng litrato pati na ang kanÂyang pirma.
Nangako ang Filipino world eight-division champion na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para bawiin kay Bradley ang dati niyang suot na World Boxing Organizaiton (WBO) welterweight crown na naÂagaw sa kanya ng American fighter noong Hunyo 9, 2012 via split decision.
“The aggressiveness and killer instinct, I have that, but sometimes I’m too nice with my opponent,†wika ni Pacquiao.
“But this fight he challenged me to do that. But this fight, he’ll get it,†dagdag pa nito.
Inamin naman ng 30-anyos na si Bradley na hanggang ngayon ay marami pa ring boxing experts at fans ang hindi naniniwalang siya ang nanalo sa kanilang unang upakan ni Pacquiao.
“There is still this dark cloud that is going over my head after the first fight and I feel like I can’t move on with my career, man,†wika ni Bradley. “And I can’t move forward in my life without getting this matchup.â€
Matapos hubaran ng korona si Pacquiao ay maÂtagumpay na nakapagdepensa si Bradley kontra kina Ruslan Provodnikov noong Marso at Juan MaÂnuel MarÂquez noong Oktubre ng nakaraang taon.
“I have to fight this guy again,†ani Bradley sa kaÂnilang rematch ni Pacquiao. “It’s my opportunity, man, and I’m very pleased Pacquiao and I came to terms to make this fight for the fans.â€
- Latest