^

PM Sports

Lillard kasali sa lahat ng event sa NBA All Stars

Pang-masa

NEW YORK – Idedepensa ni Toronto Raptors forward Terrence Ross ang kanyang Slam Dunk crown sa NBA’s All-Star weekend sa New Orleans kung saan makakalaban niya ang tatlong All-Stars.

  Sasamahan nina All-Stars Paul George ng Pa-cers, John Wall ng Wizards at Damian Lillard ng Trail Blazers na naiboto sa February 16 All Star game, sina Harrison Barnes ng Golden State at Sacramento rookie Ben McLemore na hahamon kay Ross sa Slam Dunk competition sa gabi ng All-Star Game.

   Sasali rin si Lillard sa three-point competition at pumayag na ring lumaro sa rookie/sophomore game nitong Biyernes at skills challenge sa Sabado ng gabi bukod pa sa All-Star Game.

   Dahil dito, siya ang unang  player sa All-Star weekend na lumahok sa lahat ng limang events.

   Makakalaban ni Lillard sa three-point competition sina Golden State sharpshooter Stephen Curry, Minnesota star Kevin Love at San Antonio sniper Marco Belinelli para kumatawan ng West.

   Sina Bradley Beal ng Washington, Joe Johnson ng Brooklyn at  Arron Afflalo ng Orlando ay makakasama ni reigning champion Kyrie Irving bilang East representatives.

Sa ikalawang sunod na taon, ang All-Star Saturday competitions ay katatampukan ng East vs West format, kung saan maglalaban ang mga players ng bawat confe-rences para sa pera na mapupunta sa charity.

ALL STAR

ALL-STAR GAME

ALL-STAR SATURDAY

ALL-STARS PAUL GEORGE

ARRON AFFLALO

DAMIAN LILLARD

GOLDEN STATE

HARRISON BARNES

JOE JOHNSON

SLAM DUNK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with