MANILA, Philippines - Dahil sa kanilang paniniwala, pagsisikap at di-siplina, ipinagbubunyi ngayon ang men’s at women’s team ng Perpetual Help sa NCAA volleyball.
Napanatili ng Altas at ng Lady Altas ang kanilang mga korona sa Season 89 ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Winalis ng men’s team ang Emilio Aguinaldo sa bisa ng 25-22, 26-24, 18-25, 23-25, 15-13 panalo para sa kanilang four-peat.
Ang pinakamahalaga rito ay dumiretso ang Altas sa kanilang 47 sunod na arangkada sapul noong 2011 ang taon kung kailan nila sinimulan ang dominasyon.
Matapos ang ilang araw ay ang Lady Altas naman ang nagwagi nang gibain ang Arellano U Lady Chiefs sa 17-25, 25-22, 25-16, 25-27, 15-6 panalo para sikwatin ang kanilang pangatlong sunod na titulo.
Sinabi ni Sammy Acaylar, ang head coach ng parehong koponan ng Perpetual na ito ay bunga ng kanilang pagsisikap.
“It is important to have faith in each other and the team, everybody really worked hard for this,†wika ni Acaylar, nagbigay ng lahat ng siyam na men’s volleyball titles sa Las Piñas-based school.
Pinahalagahan naman ni Anthony Tamayo, ang Policy Board member ng Perpetual, ang disiplina ng mga players.
Hinirang si Honey Royse Tubino, humataw ng kabuuang 30 hits kasama ang 30 sa attacks, bilang Finals MVP para idagdag sa nauna niyang MVP trophy.