MPD Press Corps pararangalan sina Castaño, Quisumbing

MANILA, Philippines - Nakatakdang parangalan ng MPD Press Corps  sina Philippine Racing Com­mission (Philracom) Chairman Angel L. Cas­taño Jr. at Dr. Norberto B. Quisumbing Jr. bilang pag­kilala sa naiambag nila sa industriya ng karera.

Balikatan ang magi­ging labanan ng limang kabayo sa ikalawang pa­ka­rera ng pinakamatandang samahan ng mga ma­mahayag sa bansa.

Gayunman, tiyak na pa­­paboran ang Birthday Gift ng R.G. Aquino stable at Satin Lace ng ABL Santos stable na tatawid sa 1,200 met­ro.

May nakalaang prem­yong P180,000  at tropeo.

Ang paka­rera ay simula ng 2nd Winner Take All event sa race 3 at napapaloob sa 1st WTA event na inaasahang su­su­­porta­han ng bayang karerista.

 

Show comments