MANILA, Philippines - Magaang na tinalo ng University of the East ang National University, 25-17, 29-27, 25-22, para angÂkinin ang kanilang ika-10 sunod na UAAP boys’ volleyball crown noÂong Miyerkules sa UE-CaÂloocan Gym.
Itinala ng Junior Warriors ang league-best na 13 boys championships matapos kumpletuhin ang pagwalis sa kanilang best-of-three finals series ng Bullpups.
Kumpara sa kanilang 23-25, 25-15, 25-18, 23-25, 15-13 panalo sa Game One noong Sabado, mas nakontrol ng UE ang laro mula sa pagkamada ni EdÂward Camposano.
Nakamit ni CamposaÂno, naglaro sa kanyang huÂling season para sa JuÂnior Warriors, ang kanyang ikaapat na sunod na Most Valuable Player plum.
Nakamit rin ni CamÂpoÂsano ang Best Attacker award.
Hinirang naman ang kanyang mga kakamping sina Adrian Imperial at Ron Medalla bilang Best Setter at Server awards, ayon sa pagkakasunod.
Si Armel Amuan ng NU ang kinilalang RooÂkie of the Year, samantalang sina Kim Adriano at Manuel Sumanguid ang tinanghal na Best Blocker at Best Libero.
Si Richmond CrisosÂtoÂmo ng third placer na AteÂneo ang naging Best Receiver.
Binigo naman ng University of Santo Tomas ang NU, 28-26, 25-17, 18-25, 20-25, 15-13, sa Game Two at itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three title series para sa girls’ crown.
Nakatakda ang Game Three sa Linggo.