MANILA, Philippines - Hindi nawala ang tikas ng beteranong BlackÂwaÂter Sports para makumÂpleto ang dalawang panaÂlo na kailangang kunin sa Jumbo Plastic Linoleum sa 91-81 tagumpay sa pagÂtatapos ng PBA D-League Aspirants’ Cup quarÂterfinals kahapon sa YnaÂres Sports Arena sa PaÂsig City.
Hinugutan ng Elite ang husay ni guard JeÂriÂcho Cruz sa ikatlong yugÂto bago pumalit ang mga beteranong sina Allan MaÂngahas, Kevin Ferrer at Narciso Llagas sa huÂling 10 minuto ng bakbaÂkan upang angkinin ng Elite ang huling puwesto patungong semifinals.
Naunang lumarga ang Giants at nagkalayo sa 40-25 sa ikalawang yugto.
Ngunit hindi nasabaÂyan ng Jumbo Plastic ang malakas na laro sa second half ng Elite na nakaangkla kay Cruz.
Ibinuhos ni Cruz ang 17 sa kanyang 29 puntos sa ikatlong yugto.
May 33 puntos ang Elite sa third period para burahin ang 11 puntos pagkakalubog sa halftime at kunin ang 66-63 kalamangan.
May 10 boards pa si Cruz, habang sina MaÂngaÂhas, Ferrer at Llagas ay tumapos bitbit ang 17, 14 at 11 puntos.
Ito ang ikaapat na knockout game na hinaÂrap ng Elite at sunod nilang babanggain ang No. 2 Big Chill sa best-of-three semifinals na siÂsiÂÂmulan sa Martes.
Ang baguhang Hog’s Breath Café at multi-titled NLEX ang magtutuos sa isa pang Final Four.