Pacquiao, Bradley sa New York City

MANILA, Philippines - Matapos magkita sa Be­verly Hills sa California ay muling maghaharap ngayon sina Manny Pa­cquiao at world welter­weight titlist Timothy Brad­ley, Jr. sa New York City.

Ito ang ikalawang promotional stop nina Pacquiao at Bradley para sa ka­nilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Haharap sina Pacquiao at Bradley sa mga repor­ters sa New World Stages sa West 50th Street sa pa­gitan ng 8th at 9th Ave­nues sa New York.

Ilang beses nang bumi­sita ang Filipino world eight-division champion sa New York sa nakaraan ni­yang mga laban.

Sa kanilang ikatlong pag­haharap ni Mexican Juan Manuel Marquez ay mainit ring tinanggap ng mga boxing fans ang 35-anyos na si Pacquiao.

Noong 2008 ay naka­sama niya si Oscar dela Hoya para sa kanilang ‘Dream Match’ kasunod ang kanilang pagpapaku­ha ng litrato sa Statue of Li­berty.

Tinalo ni Bradley si Pac­quiao mula sa isang kon­trobersyal na split de­ci­sion para agawin sa Fi­li­pino boxing icon ang suot nitong World Bo­xing Or­ga­­nization (WBO) welter­weight crown noong Hun­yo 9, 2012 sa MGM Grand.

Sa kanilang muling pag­­haharap kamakalawa sa Los Angeles ay kapwa na­ngako ng panalo sina Pac­quiao at Bradley.

Gusto ni Pacquiao na mabawi ang kanyang korona, habang nais namang patunayan ni Bradley ang kanyang panalo.

 

Show comments