Pacquiao, Bradley sa New York City
MANILA, Philippines - Matapos magkita sa BeÂverly Hills sa California ay muling maghaharap ngayon sina Manny PaÂcquiao at world welterÂweight titlist Timothy BradÂley, Jr. sa New York City.
Ito ang ikalawang promotional stop nina Pacquiao at Bradley para sa kaÂnilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Haharap sina Pacquiao at Bradley sa mga reporÂters sa New World Stages sa West 50th Street sa paÂgitan ng 8th at 9th AveÂnues sa New York.
Ilang beses nang bumiÂsita ang Filipino world eight-division champion sa New York sa nakaraan niÂyang mga laban.
Sa kanilang ikatlong pagÂhaharap ni Mexican Juan Manuel Marquez ay mainit ring tinanggap ng mga boxing fans ang 35-anyos na si Pacquiao.
Noong 2008 ay nakaÂsama niya si Oscar dela Hoya para sa kanilang ‘Dream Match’ kasunod ang kanilang pagpapakuÂha ng litrato sa Statue of LiÂberty.
Tinalo ni Bradley si PacÂquiao mula sa isang konÂtrobersyal na split deÂciÂsion para agawin sa FiÂliÂpino boxing icon ang suot nitong World BoÂxing OrÂgaÂÂnization (WBO) welterÂweight crown noong HunÂyo 9, 2012 sa MGM Grand.
Sa kanilang muling pagÂÂhaharap kamakalawa sa Los Angeles ay kapwa naÂngako ng panalo sina PacÂquiao at Bradley.
Gusto ni Pacquiao na mabawi ang kanyang korona, habang nais namang patunayan ni Bradley ang kanyang panalo.
- Latest