HOUSTON – Susubukan ni Tracy McGrady na gayahin si Michael Jordan na lumaro ng paboritong libangan ng mga Kano na baseball.
Hangad ng retired seven-time NBA All-Star na ma-ging baseball player at lumaro para sa Sugar Land Skeeters ng Atlantic League. Ito ang koponang pinaglaruan ni Roger Clemens ilang taon na ang nakakaraan.
Lumaro si Jordan sa Chicago White Sox noong 1994 nang una siyang magretiro sa basketball kung saan umabot siya sa Double-A level.
Ayon sa statement ng Skeeters, matagal nang pa-ngarap ni McGrady na lumaro ng baseball.
“McGrady has demonstrated skill, determination and diligence during his training program,’’ ayon sa statement. ‘’We look forward to monitoring his progress.’’
Ang 34-gulang na si McGrady ay lumaro sa iba’t ibang teams kabilang ang Houston at Orlando. Huli siyang lumaro sa NBA noong 2011-12 season.