Kidd, Joerger Coaches of the Month

NEW YORK – Sina Jason Kidd ng Brooklyn Nets at Dave Joerger ng Memphis Grizzlies ang mga napi-ling NBA Eastern at Western Conference Coaches of the Month, ayon sa pagkakasunod nitong Lunes para sa mga laro noong January.

Iginiya ni Kidd ang Nets sa 10-3 (.769) record noong January para manguna sa Eastern Conference. Nagtala ang Nets ng dalawang five-game winning streaks sa buwang nilimitahan nila ang mga kalaban sa 95.3 ppg.

Apat lang sa 13 na nakalaban ang umabot ng 100.

Inihatid naman ni Joerger ang Memphis  sa league’s best record noong January na 12-3 (.800) kartada. Ang Grizzlies ay 7-1 sa road at tinapos ang buwan sa pagpanalo ng 10 sa kanilang final 11 games.

Ang Memphis ay  may tatlong team  lang  na pinaiskor ng 100 o higit pa sa 15 na nakalaban.

Ang iba pang naging nominado  ay sina Tom Thibodeau ng Chicago, Kevin McHale ng Houston, Doc Rivers ng Los Angeles Clipper, Mike Woodson ng New York, Scott Brooks ng Oklahoma City at Dwane Casey ng Toronto.

Show comments