^

PM Sports

Malalaman na ang kapalaran ng Gilas

Pang-masa

BARCELONA -- Malalaman ang limang teams na makakalaban ng Philippines sa preliminaries kung saan sa Spain sila maglalaro at ano ang order of games sa FIBA World Cup draw sa Palau de la Musica dito, ngayong umaga (Manila time).

Dadalo sina Gilas coach Chot Reyes, team ma-nager Aboy Castro at logistics director Andrew Teh sa draw.  Dumating sila dito noong Sabado at aalis bukas para ma-scout ang housing, training at playing venue.

Ang grupo ay uuwi ng Pinas sa Biyernes.  

Ang apat na brackets ay bubuuin ng anim na teams.

Gagamit ng seeded draw ‘di tulad sa FIBA-Asia Championships sa Manila noong nakaraang taon kung saan ang system ay open.  Inihayag kamakailan lamang ng FIBA na gagamit ng anim na “pots” o lagayan na may tig-4 teams  ang pagbubunutan ng entries sa isang bracket. Ang mga teams sa isang pot ay hindi maghaharap sa preliminaries.  Ang Pot 1 ay binubuo ng top four seeds na US, Spain, Argentina at Lithuania. 

Nangangahulugang ang malalakas na teams ay hindi magkakaharap-harap sa preliminaries. 

Ang  Philippines ay kasama sa Pot 3 na kinabibilangan ng Korea, Iran at New Zealand, na ang ibig sabihin ay walang Asian country ang maglalaban sa first round.  Ang Angola, Egypt, Senegal at Finland ang nasa Pot 2 habang ang Croatia, Serbia, Slovenia at Ukraine ang kasama sa Pot 4.  Sa Pot 5 ang Brazil, Puerto Rico, Mexico at Dominican Republic.   Ang Australia, France, Greece at Turkey ang nasa Pot 6.

Apat na lungsod ang pagdarausan ng prelimina-ries --Bilbao, Seville, Granada at Las Palmas de Gran Canarias. 

 

ABOY CASTRO

ANDREW TEH

ANG ANGOLA

ANG AUSTRALIA

ANG POT

ASIA CHAMPIONSHIPS

CHOT REYES

DOMINICAN REPUBLIC

GRAN CANARIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with