BACOLOD CITY, Philippines - -- Nilangoy ni Lorenzo JenÂkins Labao ng Baguio City ang kanyang pang-pitong gintong medalya para hirangin bilang atletang may pinakamaraÂming hinakot na gold meÂÂdal sa Batang Pinoy NaÂtional Finals 2013 kaÂhapon dito sa Panaad Park and Stadium.
Binanggit ni Labao, isang third year high from student mula sa University of Baguio Preparatory School, ang matibay niyang determinasyon para maÂnalo.
Ang mga events na idiÂnagdag ni Labao sa pagÂtatapos ng swimming competitions ay ang boys’ 13-15 100-meter butterfly at ang 200m individual medÂley.
Nauna na siyang nagÂhari sa boys’ 400m freeÂstyle, 50m butterfly, 400m IM, 200m medley at sa freestyle relays kasama sina Dan Christian LeyÂba, Renz Gawidan at Neil Nazarro.
Ngunit ang Quezon City pa rin ang bumandeÂra sa swimming nang kumolekta ng 14 gold meÂdals sa likod nina Raissa Gavino at Kirsten Chloe Daos na may tig-tatlo.
Pumangalawa ang BaÂguio City sa kanilang naÂkamit na 10 gintong meÂdalya kasunod ang Davao City, Manila, Lucena at Bohol na may tig-lima.
Sa triathlon, tinalo ni Sta. Rosa, Laguna bet Julius Constantino ang national pool reserve na si FreÂderick Albert Chiongbian ng Cebu City nang kuÂnin ang gold medal.
Nagtala ang 15-anyos at 5-foot-9 na si ConstanÂtino, nag-aaral sa Colegio de San Agustin, ng bilis na 27 minuto sa kanyang ginawang 400m swim, 8.4km bike at 2k run laban kay Chiongbian (27:34) na ikinukunsidera paÂra sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China.
Namayani naman ang 12-anyos na si Nicole EiÂjanÂsantos ng Quezon CiÂty sa girls side sa tiyempong 29:50.
Inungusan niya sina Lauren Justine Plaza ng Biñan, Laguna (30:05) at Victoria Deldio ng Olongapo (30:39) para sa gintong medalya.
Kumolekta naman ang Iloilo City ng siyam sa kabuuang 12 gold medals sa arnis anyo competitions kasama ang tatlo ni Crystal AJ Bartonico sa girls single weapon solo, double weapon solo at sword and dagger solo.
Sa Negros Occidental National High School grounds, tinalo ng World Series veteran Iloilo ang Gen. Santos City (14-2) at Bacolod (6-0) para sa kaÂÂnilang 4-0 record sa seÂven-team girls softball competition.
(Russell Cadayona)