^

PM Sports

Bata Reyes iwinagayway ang kanyang ‘Magic’ sa Derby City

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilabas ni Efren “Bata” Reyes ang dating ma­tikas na porma nang pagharian ang 16th Derby City Classic One Pocket Division na ginawa sa Horseshoe Southern In­dia­na, Elizabeth, USA.

Hindi pinaporma ng 59-anyos na bilyarista si Shannon Daulton ng US sa finals tungo sa 3-1 panalo at kunin ang kampeonato ng hindi nakakalasap ng isang pagkatalo.

Ito ang pinakamala­king panalo ni Reyes ma­tapos ang apat na torneo sa taon at ang One Pocket title ay  kanyang ikaanim pero noon pang 2007 huli siyang nagkampeon dito.

Para maabot ang finals, dinaig ni Reyes ang kababayan at DCC 9-Ball Banks division champion Dennis Orcollo sa mahigpitang 3-2 iskor.

Si Francisco Busta­man­te ay nakaharap si Scott Frost ng US at mi­nalas siyang yumuko sa 1-3 iskor.

Nagkaroon ng re-draw kina Reyes, Frost at Shannon na nag-bye sa round  12 at kumapit ang suwerte kay Reyes na nabigyan ng pagkakataon na umabante na sa finals.

Dahil hindi pa nata­talo ay hawak pa niya ang buy-back option upang magkaroon siya ng ‘twice-to-beat’ advantage kay Shannon na nanaig kay Frost.

Halagang $12,000.00 ang premyong napanalunan ng tubong Angeles City na si Reyes at palaban pa siya para sa 2014 Master of the Table tulad ni Orcollo.

Si Daulton ay mayro­ong $6,000.00 gantimpala, si Frost ay mayroong $3,355.00, habang sina Orcollo at Bustamante ay nakuntento sa tig-$2,200.00 na premyo.

ANGELES CITY

BALL BANKS

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC ONE POCKET DIVISION

HORSESHOE SOUTHERN IN

MASTER OF THE TABLE

ONE POCKET

REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with